Impormasyon tungkol sa mga event
Ang Kariya International Friendship Association, ay may isinasagawang mga support project at mga cultural exchange event para sa mga dayuhang naninirahann sa distrito. Kahit sino ay maaaring sumali, kaya't huwag kayong mag-atubiling lumahok.
- Libreng konsultasyon tungkol sa pamumuhay (Nobyembre)
- 1 araw na sattelite office na pangangasiwaan ng Philippine Consulate General
- Libreng konsultasyon tungkol sa kalusugan (Disyembre)
- KIFAV International Friendship Festa (Disyembre)
- Disaster drill (Enero)
- KIFAV event - alamin ang kultura ng Japan
Lugar ng aplikasyon
Tanggapan ng Kariya International Friendship Association
Telepono:0566-62-1209 Fax:0566-21-0030 Email:
- Oras ng aplikasyon: 9:00-17:15
- Araw na sarado: Lunes (o ang kasunod na araw kung pista-opisyal ang lunes), katapusan at simula ng taon
Impormasyon tungkol sa [KIFAV Nihongo Classes (Nihongo Kyoshitsu)]
Ang Kariya International Friendship Association Volunteers (KIFAV) ay may isinasagawang [Nihongo Classes].
Araw at Ora
Klase | Araw | Oras |
---|---|---|
Klase ng Huwebes | Tuwing Huwebes | 10:00 ~ 11:30 |
Klase ng Sabado | Tuwing Sabado | 19:00 ~ 20:30 |
Klase ng Linggo | Tuwing Linggo | 10:00 ~ 11:30 |
※ Tingnan dito tungkol sa t schedule ng klase para sa buwang ito.
Halaga ng bayad
Libre
Mga dapat dalhin
Mga bagay na panulat, diksyunaryo (kung mayroon)
Aplikasyon
Mangyari lamang na magpasa ng aplikasyon sa aming tanggapan.
Telepono: 0566-22-5931
Email:
Lugar
Kariya International Plaza (basahin sa ibaba para sa detalye)
Tungkol sa [Kariya International Plaza]
Ang International Plaza ay itinayo sa layuning isulong ang internasyonalisasyon ng distrito at upang isulong ang pakikipagpalitang sibiko sa pagitan ng ibang mga bansa. Ang lugar na ito ay pang-internasyonal kung saan ang lahat ay maaaring mag-usap usap at magtipon-tipon anuman ang kanilang nasyonalidad at kultura.
- Address:
- 1-32-2, Toyo-cho, Kariya-shi (sa loob ng Community Network Center), 448-0842
- Telepono:
- 0566-62-1209
- Fax:
- 0566-21-0030
- Oras na bukas:
- 9 ng umaga hanggang 9 ng gabi
- Araw na sarado:
- Lunes (o ang kasunod na araw kung pista-opisyal ang lunes), katapusan at simula ng taon (Disyembre 29-Enero 3)
Anong klaseng lugar ba ang [Kariya International Plaza]?
Tanggapan ng kapisanan
Ang tanggapan ng Kariya International Friendship Association ay nasa loob ng international plaza. Ang tanggapan ay bukas kahit Sabado at Linggo.
- Oras na bukas: 8:30-17:15
- Araw na sarado: Lunes (o ang kasunod na araw kung pista-opisyal ang lunes), katapusan at simula ng taon
Lugar ng pagpapakikilala sa "sister city"
Dito ay ipinakikilala ang sister city ng Kariya na "City of Mississauga" (Ontario, Canada). Ipinakikita rin dito ang mga subenir na itinanghal sa mga natapos na presentasyon.
Mini-kitchen
Ito ay isang "Island Kitchen" na kumpleto sa mga gamit sa pagluluto at mga kubyertos at pinggan. Maaaring kayong makipagpalitan ng kultura sa pamamagitan ng [pagkain]. (Isangguni sa amin kung nais ninyong gumamit ng mini-kitchen.)
International exchange room
Ang silid na ito ay para sa mga aktibidad ng mga boluntaryo na layunin ang internasyonalisasyon ng distrito at ang pagsasama-sama ng iba't ibang kultura. Isinasagawa rin dito ang Nihongo Class, international exchange events at iba pa kapag sabado at linggo.
Impormasyon sa iba't ibang wika
Dito inilalagay ang mga impormasyon tungkol sa Nihongo Class at mga programang isinasagawa ng distrito, mga impormasyon sa araw-araw na pamumuhay na nakasalin sa iba't ibang wika.
Mga Libro at Magasin sa iba't ibang wika
Maliban sa mga Ingles na magasin at magasin tungkol sa mga impormasyon sa pag-aaral sa ibang bansa, mababasa rin ninyo ang mga pahayagan at mga lingguhang magasin mula sa Tsina, Brasil at Byetnam, makakakuha kayo ng mga pinakabagong impormasyon.
Lugar ng pagbabasa
Maliban sa mga libro tungkol sa pag-unawa sa iba't ibang kultura at tungkol sa international exchange, dito ay malaya kayong makapagbasa ng mga libro na may mga larawan, mapa, diksyunaryo ng iba't ibang bansa.
Mga meeting room
Meeting room 201 (45 katao) at 202 (27 katao). Kahit sino ay maaaring gumamit, kailangan lamang magparehistro na ang inyong grupo ay may kaugnayan sa mga gawaing pang-internasyonal.
Halaga ng bayad
Room | Kapasidad | Umaga | Hapon | Gabi | Buong araw |
---|---|---|---|---|---|
9:00-12:00 | 13:00-17:00 | 18:00-21:00 | 9:00-21:00 | ||
Meeting room 201 | 45 katao | ¥800 | ¥1,100 | ¥800 | ¥2,500 |
Meeting room 202 | 27 katao | ¥500 | ¥650 | ¥500 | ¥1,500 |
For detailed information about the meeting rooms (in Japanese only), please check here.